Sunday, April 12, 2009

Bitter-half o better-half

Minsan talaga busseett din magkaroon ng bitter-half ba o better-half? Matapos ang almusal byernesanto, lalag-on sana ko sa kabilang daigdig pero por dios por santo grapones....nagulpe de gulat ako ng bitter-half o better-half ko. Hahawakan ko pa lang pyuter, dumagundong ang boses bigla, ambilis ng mata teyk nowt. Kalain mo ba namang sabihan ako ng....."fo' gawd's sake will u please lea' da computer alone fo' da meentham...it's good friday sweetie....am heah, yo' daughter's heah too....sit wit us heah, we're human, deal more tham wit us....are u wit me huh?" Yung biglang pagdagundong ng boses eh pakiramdam ko biglang humiwalay ang inunan ko sa sinapupunan ko sa gulat. Sa isip ko (sa isip ko lang huh)...."hayup talaga oh, napakadalang ko na ngang humawak ng pyuter nasasabotahe pa palagi".....hindi ko naman hinahayup sa isip ko asawa ko huh!!! Wala lang, ekspreshon lang kaze....hayup talaga ahahaha!!!

Sa Totoo Lang

Sa trulili lang in ol hanesty is da best palicy...di ko alam kung bakit ako naririto. Para ngang gusto kong magsisi eh hahaha!!! Nagmakaawa kasi si mang totoy na samahan ko dito sa bago nyang daigdig. Sa isip ko hindi kaya sya nagkamali ng pagbigay ng akses zaken dito? Eh puro kalaswaan lang naman nalalaman ko ahahaha!!! Hindi kaya dapat ang narito eh ang mapagpalang mga palad at mala-sawang dila ng diwata at ang itinuturing kong HENYO sa kabilang daigdig? grinn...grinn!!! Ang hirap pala dito sa bagong daigdig ni mang totoy, hindi ka pedeng mag-emo.

Siguro kaya ako narito para lang alipustahin hahaha!!! Yun lang naman ang isa sa tanging kaligayahan sa buhay ni mang totoy at ang silbi ko eh. Nai-associate na zaken lahat. I was being called malaking TUKMOL, sira-ulo, mental case pro oks lang din....tumatalbog naman kaze sa kanya din lahat eh. Ako ang isang taong karespe-respetadong bastusin...eh sarili ko naman kaze di ko nirerespeto ibang tao pa kaya? Kaya tukmol, inday, sira-ulo......ASA KA PAH!!!

Saturday, April 11, 2009

Sa REcto

Kahapon sa pagbabalik tanaw ay naisipan namin ni Tatay na mag-ikot sa kahabaan ng Recto.

Gaya ng dati, andun pa rin ang mga nagtitinda ng term paper (akala ko natanggal na yun), gumagawa ng pekeng grades at diploma (me bumulong nga sa akin, Ser anong year ka grumadweyt, reserach natin kung sino pumirma sa taong grumadweyt ka). Wala na ang nagtatanong kung gusto ko ng Bedtime, Playboy o makapanood ng labia minora na kumakain ng saging o naninigarilyo sa Gala, Center o Crown theater. Wala na rin ang Dakota, sa harapan ng dating Cinerama (ngayon ay Isetan na). Masaya ko nung meron pang Dakota, pano ang daming manyak na nanood sa mga babaing umiindayog. Sige lang, habang minamanyak nila sarili nila sa kanonood sa mga babaeng halos lumuwa na kaluluwa, busy naman ang aking kamay sa kahahagod sa kanilang bulsa. Wala na rin ang mga pinball sa Cartimar Recto.

Pero me bagong uso sa Recto ngayon. Kung gusto mo ng latest model ng cell phone pero kapos ka sa budget, Recto is the place to go.Dapat mabilis lang ang mata mo sa mga fast-moving GSM agents. Ang mga cellphone na mabibili mo ng 20mil sa malls, sa mga GSM agents limang libo okei na pero kung in a hurry sila at kaya mo silang sabayan sa kanilang pagjojogging, matatawaran mo pa hanggang 2500 ang mga mamahaling cellphone. Kaya pag me nakita kang tao na kumakaripas ng takbo, sigurado sila na yun, takbo, habol, bilis kung kaya mo. In demand ang mga GSM agent na yan. Hindi lang ikaw o ang iba pang gustong bumili ang humabol. Andyan din ang mga barangay tanod, estudyante,pag minamalas, pati pulis o kaya MMDA nakikisali sa habulan - kasi ang celphone na binibili fresh from the bag o kakahablot lang sa isang tatanga-tangang naglalakad na estudyante sa kahabaan ng Recto. Didn't you know - GSM mean Galing Sa Magnanakaw. Now you know.

Thursday, April 9, 2009

Mga Tanong ni Pangga

Sa PEP, merong thread na ang title e POW - short for PEPSTER of the Week. Fun thread for the PEPsters na gustong magkaroon ng break mula sa pinaka-importanteng tanong sa buhay ng mga Pinoy - KAPAMILYA o KAPUSO. Questions and answers para sa POW.

Pero more than the POW, mga tanong ng isang KAPUSO ang gustong-gusto ko.

Nagsimula sa isang simpleng MASAYA BA ANG MGA MANOK NA KINAKATAY SA JOLIBEE KAYA SILA TINAWAG NA CHICKEN JOY, ang paborito kong interrogator sa PEP ay nagdagdag pa ng ilang katanungan palagay ko kahit si Albert Einstein ay matutuyuan.

Pangga, thanks for making me smile more often than I like. Kasi pag naglalakad ako at naalala ko yang mga katanungan mo, napapangiti ako mag-isa. Natatanong na tuloy ako madalas kung me SAPI NA AKO.

Pero pasensiya na Pangga, akin na ang rights sa iyong mga katanungan. Registered na yan sa Patent Office under my name. Nya! Yari ka.

Wednesday, April 8, 2009

Si Bebs.

Kagabi, sobrang init. Hindi ko nakayanan. Butas-butas ang bahay namin kortesy of the last typhoon, maraming pwedeng paglabas-pasukan ang hangin, pero anak ng pusang babaeng itim (mas tama atang itim na babaeng pusa, adjective before noun sabi dun sa isang english book na sinikwat ko sa babaeng nagtitinda ng second hand book sa gilid ng gate ng FEU sa Morayta) mainit pa rin.

Sa sobrang init, inaya ko tung Under-The-Spell (UTS) kong kaibigan na magpalamig sa kahabaan ng Quezon Avenue, mula sa Roxas hanggang bago magDelta. Pero dahil Holy Week walang aksyon. Sayang me discount card pa naman ako sa Sogo nawala ang pagkakataon kung mabuyo si UTS sa biglang yuko sabay liko.

E sobrang init talaga kaya lumarga kami patungong Timog. Magsasagwa. Pero wala, lahat ng masasagwa nasagwaan din sigurong gumawa ng masagwa kaya tahimik ang gabi ng Timog. Kain na lang tayo sabi ni UTS. Sige kako para di naman masayang ang unrestricted gatespass ni UTS na milagrong pinirmahan without concern ni Panget.

Wala talagang kwenta ang Maynila pag Holy Week. Halos lahat ng okei na establishments sa Timog maagang nagsara. Sa kaiikot, namataan namin ang DAmihan. Promo for the night, paskil sa labas nito - P595 for 8 bottles of SMBLite, 4 sticks of barbecue at isang order ng tokwa't baboy. For a small additional price, dressed spring chicken ready to serve at your pleasure. Ba okei. Pasok kami.

Brown out ba, tanong namin pagpasok. Di po ser. Nagpatay lang kami ng ilang ilaw para mabawasan ang init. Kuha kami ng table. Sa entablado, ilang kabataang babae ang sumasayaw at kumakanta. Siguro dahil sa init, fishnet lang ang suot nila. Okei lang, dim light naman, kaya hindi na siguro kami nagkakasala.

Matumal ang negosyo kami pa lang ang nasa loob. Promo senyas ko sa waitress. Okei Sir. Mabilis naman ang service, siguro dahil kami pa lang nga ang customer, kaya andyan agad ang order namin. Matapos ang 16 na bote ng SMBLitebeer, lumapit ang me isang katabaang babae. Ser gusto niyo ba ng dressed spring chicken?

ang mga sumusunod ay totoong pangyayari at hindi kathang isip lamang


For a small additional price, naalala ko. Sige. Magkano. P5000 sir. Ang ilokanong si UTS nalaglag sa kanyang kinauupuan. Mahal, ano ba meron sa chicken na yan. Sabi ni Taba, sir sigurado magdadagdag sa kainitan ng gabi ang dressed chicken namin. Sira ulo ata itong si Taba, mainit na magdadagdag init pa. Mahal pero one for the Ripley's, umokey ako.

Bigla namatay ang ilaw. Brownout? Dim lite ang sagot sa aking tanong. Maya-maya isang babae ang lumapit sa amin. Bebs sir, pakilala niya. I'm your dressed spring chicken for the night. Nya. Nakatapis din si Bebs ng fishnet gaya ng iba pero mukhang mas madaling maabot ang langit sa sobrang lapit ni Bebs sa amin. Sa saliw ng walang kamatayang The Power of Love, umindayog si Bebs at hinagis sa aming mesa ang kanyang tapis na fishnet. Wow, mukhang colorless bra at panty - liyad, dapa, dipa, sirko, dun ko lang napansin, nakahikaw pala si Bebs. Lintik na bata to, kung makasayaw lalo na at naglap dancing ke UTS parang walang buto. At habang naglalap dancing si Bebs ke UTS, maliban sa hikaw, me iba pa kong napansin ke Bebs. Maganda ang kanyang shoes.Coz you're my lady and I am you're Man birit ng musika, biglang sumirko si Bebs at bumukaka sa aming harapan. Sus ginoo, patawarin kami ng mahabaging langit, lumalapit, lumalapit. Malapit man, malayo din akhit anong iwas ang iyong gawin, ayan na ang (dis)grasya? Mahirap sa madilim. oops, ano tong nasasalat ko. Makinis. Malambot. Uhhm ang bango. Pure leather wallet ng customer sa katabing mesa ko pala, sumabit sa kamay ko. Thanks for the distraction Bebs. Pero sa totoo, akala ko nung una dahil sa dilim na paligid, nakacolorless panty si Bebs with dark shades in the middle. Pero sa unti-unting pagliwanag na paligid, si Bebs, uhmmm, si Bebs, anak ng pusang gala si Bebs, nyahahahha, si Bebs, walang panty. Tama si Taba, lalong uminit ang panahon.

Ang aming dressed spring chicken, undressed na ngayon!

Pero me ispesyal ke Bebs. Di lang maganda si Bebs, mukhang long lost twin siya ni Marian Rivera. Sa tayo pa lang, Marian na ang dating niya, sama mo pa ang boses pati ang kanyang nakakapagtayo ng kahit ano na ngiti, Marian na Marian ang dating ni Bebs. Kung hindi ko lang nabasa sa isang news na wala sa Menila itong si Marimar, sasabihin kong si Marian ang babaeng lumiyad, dumapa, dumipa, sumirko, nagsplit at nagpakita ng kuyukot sa amin.

Pwedeng masabi na si Marian ang undressed chicken na nasa aming harapan. Pareho silang Psychology majors. Pareho silang multi-talented. Pareho silang me maamong mukha at me ngiting babalik-balikan. Pareho silang magaling sumayaw pero si Bebs anak uli ng pusang itim, pati dibdib, nagtsatsatsa. Dun pa lang alam mo ng hindi talaga si Marian yun. Kamukha lang.

Kaya kahit ako ay isang KAPAMILYA masasabi kong hindi si Marian ang babaeng nakita namin sa DAmihan. Bakit?

Una, ang alam ko si Marian natapilok lang ang paa pero si Bebs sa tingin ko nabalian kaya wala ng buto ang katawan niya. Hanep gumiling at kung makaliyad, kulang na lang i-slam dunk sa mukha namin ang kanyang hinaharap. Tsaka di ko nabalitaan kahit kelan na athletic si Marian, si Bebs, wowowee, magaling na gymnast, acrobat. Palagay ko nga, me certificate din sa scuba diving itong si Bebs, ala eh, ang galing sumisid.

Pangalawa ang alam ko si Marian, tigre kaya napagkakamalang suplada. Pero si Bebs, di siya tigre. Isa siyang sawa. Husay lumingkis - kamay at paa nakapulupot me bonus pang kadyot-kadyot.

Pangatlo, mukhang me medical training si Bebs. Galing magbigay ng mouth to mouth resustayon. Saan kayang medical school nag-aral si Beb dahil ang dila niya pasok hanggang lalamunan ni bespren UTS.

Pang-apat, busy si Marian at busy rin si Bebs pero si Bebs ang nakilala kong masaya sa kanyang pagiging multi-tasker. Kamay, paa, labi, dibdib, dila, bewang, sabay-sabay, nagtratrabaho walang reklamo.

Is pa, kumakanta ba si Marian ng walang sound?

At higit sa lahat, malabong si Marian ang nasa harapan namin. Kasi si Marian, MEDYO lang, si Bebs, MOUNTAIN DEW.

Milagrong malaki, Holy Week at mukhang wala na sa sarili si UTS, nag-aya sa VIP. Sabi ni Bebs, SIR, please be gentle, its my first time. First time? Oh my gulay. Naisip ko tuloy,gumagamit din kaya ng virginity soap si Bebs?

Tuesday, April 7, 2009

engot talaga

sabi ng mga barkada ko, di raw nila maintindihan ang dahilan bakit ako nagblog. simple lang, tamad ako. kaya lahat ng gusto kong mga bloggers, nilagay ko ang link dito sa aking blogspot.

isang clik lang, ayos.... pag dating sa katamaran, si juan tamad lang siguro me laban sa akin.

Sunday, April 5, 2009

Isang Pagbabalik-tanaw

Minsan sa buhay natin masarap balik-balikan ang nakaraan tulad nyang ginawa ni mang totoy. Napakasarap sariwain ang ating kabataan. Mga pilyo't pilya tayo noon, maloloko, kung anu-anong mga kagaguhan ang nalalaman in short. Ako aminado ako sa tanda kong ito maloko pa rin ako...paulit-ulit pa rin akong nagkakamali....sigue-sigue lang hangga't me nakakaunawa hahaha. Abusuhin bah!!! Abusada ako eh alang pakealaman ng ugali hahaha!!!

Nung kabataan ko dami ko kaibigan, sa daldal ko ba namang ito. Ako yung tipo ng taong unang kakausap sa yo bah. Hindi mo man ako kausapin...kakausapin pa rin kita hanggang kausapin mo ako. In other words, ako ay isang taong papansin hahaha!!!

Balik tayo sa circle of fwens nung kabataan natin ika nga. Meron akong mga kababata sa kinalakihan kong lugar sa menila partikular sa lugar ng sampaloc. Kinalakihan lang pero di ako doon pinanganak. Pinanganak ako sa san esteban eh, laking menila, nag-hayskul sa antique tapos balik menila uli hanggang mapadpad sa ibang lupalop. Ang mga kababata ko na mga naging kalaro ko noon doon, garabeh ang klosness namin sa isa't isa. As in sabay-sabay kami ng oras ng paliligo, usapan na yan. Tapos pag-uusapan namin kung anong kulay ng panty namin. Dapat pare-pareho ang kulay ng panty naming magkakalaro at pareho din ang kulay ng short at sando namin. Ganun kami eh hanggang sa naglakihan kami nasa mga kolehiyo na. Walang nagbago. Si Talen nung maliit kami, tawag namin Lalen. Sya ang pinaka-leader naming magkakalaro dahil sya pinakamagulang, sa madaling-sabi dinadaan nya palagi sa edad porke sya pinakamatanda samin. Nung lumaki na kami naging TaLen dahil yung mga pamangkin nya ang tawag sa kanya TaLen. Short for tita lalen, empre mga bata hindi nabubuo kadalasan mga salita. Nakasanayan na rin naming gayahin. Yung isa si TaDo'. Me diin ang pagbigkas sa huling letra huh!!! Dolce kasi ang namesung nya talaga. Eh yung mga pamangkin nya ang tawag sa kanya TaDo' short for tita dolce. Yung isa naman si TaIna...nde po mura yan....agen tinawag syang TaIna ng mga pamangkin nya short for tita reina. Sa kadahilanang alam nyo na...eh kasi bata!!! Magkapatid sina TaDo' at TaIna....obyusli naman sa pangalan na lang hawig na hawig. Yung isa naman si Duday tapos ako. Lima kaming magkakalaro noon na hanggang sa nagsipagdalaga at nagkanya-kanya ng propesyon eh magkakaibigan pa ring mahigpit maski hanggang ngayon. Kami yung tipong magkakaibigan na once na me hiniram kang isang bagay....asahan mo wala ng balikan yan hahaha!!! Pasalamat pa nga ako minsan pag ipapaalam na hihiramin yung isang bagay sakin. Dahil pag minamalas-malas ako sinisisi ko pa ang sarili ko dahil ako si kalimutin....sobra. Iniisip ko saan ko ba inilagay....alam ko dito lang banda. Yun pala hiniram sakin ng hindi nagpapaalam hahaha!!! Pare-parehong ilocana ang mga nanay namin pwera ke Duday, ibannag nanay nya, tubong Isabela pero ganun din, nakakaintindi din ng wikang ilocano. Silang apat eh ka-counterpart din namin, palaging nagchichismisan. Sila yung tipong ginagawang monday to saturday club ang umpukan, linggo lang ang pahinga. At teyk nowt sila-sila nagyayabangan hahaha!!! Nuong elementary days ko, naririnig kong nagpaparinig ang mama nina TaDo at TaIna sa amin. Dikit-dikit ang mga bahay eh, yung bahay nina TaDo at TaIna eh nasa me bandang pasilyo na namin, bandang likod kasi me pintuan pa kaming isa sa likod na papunta sa kusina. Doon sa me pasilyo, bungad naman ng harapan ng pinto nina TaDo at TaIna. Isang tanghalian, nagparinig si Nana Lety (yan ang tawagan namin sa mga magulang ng mga kaibigan namin, Nana at Tata) ng "alaem man diay prayd chiken Dolce". Teyk nowt, nilalakasan pa nyan na dinig na dinig namin sa bandang kumedor namin. Tapos bubulong ang nanay ko ng "hhmmmppp lastog" hahaha!!! Sasabihin ko sa kalaro ko "buti pa kayo prayd chiken ulam nyo, kami gulay na naman" (na parang nagmamaktol) Bigla sinabi ni Nen (TaIna) "anong prayd chiken, gulay din ulam namin noh"! Tapos tawanan na kami ng tawanan hahaha!!! Palagi silang nagbibigayan ng ulam kahit na wala namang okasyon, pakbet, buridibud, diningdeng. Wala lang nakasanayan na nila. Purgang-purga nga ako ng nanay ko sa gulay eh...andalang kong makatikim ng bagnet. Roll eyes...roll eyes. Empre ule ilocano, mas mura gulay kesa karne eh. Sasabihin ng nanay ko sakin palagi, "bingbeng it-ted mo man daytoy diay bangirr". Sasabihin ko naman, "saang diay bangirr, nagadu ti bangirr". Sasagutin naman nya ko ng "ukkim" at sesenyas sa ka-duplex na bahay. Alaga ako ng nanay ko sa mura bah, ganyan ako kamahal. Ako yung tipo ng batang laging sinisigawan sa kalye sa gitna ng kasarapan sa paglalaro. Palaging nasisigawan ng "bingbengggg agay-ayam ka manen, sumrek ka ditoy ingka agdal-dallusen, tawkininam". Napakaingay ng nanay ko sa totoo lang. Tipikal na manang biday ika nga. Kabaligtaran ng tatay ko, kahit galit na eh malambing pa rin ang boses....ilonngo eh!!! Matatawa ka nga sa peyrents ko, wanopakaynd hahaha!!! Ang nanay kakausapin nya ang tatay ko sa wikang ilocano tapos ang tatay ko naman eh sasagutin sya ng wikang bisaya. Nagkakaintindihan naman sila hahaha!!! Tawa nga ng tawa ang mga kalaro ko noon, sina talen, tado, taina at duday. Kami yung magkakalaro na pagdating na pagdating galing iskul eh tatambay na kagad sa labas....eksayted araw-araw na magbida sa bawat isa. Minsan nga eh natatanggalan pa ko ng panty ng nanay ko para lang nde makalabas hahaha!!! Tinatago ang mga panty at short ko para pumirme naman ako sa bahay. Tabi-tabi lang din ang bahay namin. Ang pinakamalapit na bahay sakin eh yung kila Talen as in duplex yung bahay namin. Iisa lang kasi ang me-ari. Yung kwarto ko eh merong maliit na pinto papunta sa bahay nila Talen. Bale pag pinasok mo yung maliit na pintong yun eh kwarto na ng mga boarders nila. Nagpa-board ang mama nya dahil mejo marami sila. Nung nasa ikatlong baytang na ko sa Mababang Paaralan ng Juan Luna bandang Lepanto at Cataluna, (public lang ako sikyu lang ang tatay eh at pagdating sa probinsya naman ay magsasaka) nagpa-board na rin ang nanay ko dahil ako si hikain talaga, laman ako ng Mary Chiles palagi sa Gastambide, laging inaatake lalu na kung sobrang init ng panahon. In shortness magastos ako sa gamot. Ang tinanggap ng nanay ko na mga nag-aaply eh puro ilocana at nagsisipagtarbaho na. Ayaw ng nanay ng estudyante dahil magastos daw sila sa ilaw, empre mga magsisipagpuyatan yang mga yan sa pag-aaral daw at sa teno, empre naisip ng nanay mahilig magtelebabad ang mga estudyante. Empre what will you ekspek sa utak ng mga Ilocano....tatlong salita lang yan....tipid...tipid....at tipid. Sa lugar namin sa Bustillos kahit na hindi iyo ang bahay eh pupwede kang magpa-board, dami gumagawa nyan duon. Abah dami naghahanap ng matutuluyang boarding-house ang mga estudyante sa bandang Bustillos. Kahit na nga ang isang bahay dun sa me amin eh hindi nagpapa-board, kahit walang mga nakapaskil sa pinto na "WANTED LADY BEDSPACERS"...eh talagang kakatukin pa ng mga estudyante at magtatanong kung nagpapa-board daw ba sila hahaha. Yung iba nga mamimilit pa na tumanggap na lang sana sila ng boarders daw hahaha!!! Yung kwarto ko eh hinati ng tatay ko na nagsilbing karpintero sino pa ba? Kaya yung pintuang maliit na yun na papunta kila Talen eh napunta sa bandang area na ng mga boarders namin. Kaming magkakalaro noon eh palaging nagbibidahan...sa mga kuya, ate at mga kapatid nila. Nakikinig na lang ako sa kanila palagi, ala ako eh. Naiinggit ako sa kanila dahil sila me naaaway silang mga kapatid. Ako ala akong maaway sa loob ng bahay namin. Alangan namang awayin ko peyrents ko at mga boarders namin. Kaya naisipan ko tuloy mag-hayskul sa probinsya ng tatay ko sa antique. Ayaw ng mga kalaro ko dahil magkukulang na daw ang Star Rangers...star ranger 3 ako eh....we are the star rangers...paborito namin yan noon. Pero kako gusto ko namang maranasan yung magkaron ng parang kapatid.... empre pag mga pinsang buo mo eh, parang mga kapatid na rin yun. Shado rin naman akong nag-enjoy ng hayskul sa probinsya. Pagbalik ko sa menila, eksayted ako makita muli mga kalaro ko. Tinawanan nila ako ng tinawanan, ulikba na raw ako kase. Sabi ko sa kanila di bale naranasan ko naman pakiramdam ng me mga kapatid. Sa madaling sabi bak tu gud 'ol deys na naman kami ng mga kababata ko.

Nung nasa kolehiyo na ko, namulubi ang nanay ko sakin. Dahil kahit iisa ako ang gastos ko daw (magaling din kasi akong magdoktor ng mga resibo ng tuition fee ko noon. Kelangan kong gawin yun dahil saksakan ng kunat ang nanay ko....sumalangit po sensya na po....kelangan lang ilabas ang katotohanan po) Nung nasa second year college na ko, si Talen titser na sa eskwelahan ni Tony Tamayo sa LP (yan yung tym na wala pa sa pulitika si Tony Tamayo). Empre kumikita na si Talen habang ako pinagkakakitaan ko nanay ko kakakupit. Saan ka ba naman nakakita ng yung pitaka nya eh ipinapardible nya (yung malaking pardible, saka yung mga pitaka noon kasi mga tela-tela pa) sa loob ng bulsa ng duster nya (na pwedeng tumindig na mag-isa sa kaka-almirol....alala ko hirap na hirap ako dati sa pagpaplantsa ng mga duster nya, gustung-gustung inaalmirol, ibibilad sa yero doon sa me bubong namin na sampayan)....panalo ang nanay ko pagdating jan. Kilala nya kasi ako eh. Kaya ang ginawa ko, idinaan ko sa legal na paraan ang pagkupit sa nanay ko. Tulad ng pagpapakita sa kanya ng resibo ng mga binabayaran kong tuition....sa totoo lang garabeh ang ginawa kong pagkupit. Sinagad ko talaga ang nanay ko noon as in libu-libo ang patong sa tuition ko....minsan pa nga eh umabot ng kwatro mil ang patong na ginawa ko....bah nung early 90's napakalaking pera na nyan....tiba-tiba ako noon. Pero nag-compess naman ako sa nanay ko sa ginawa ko sa kanya...nung me isip na ang anak ko. Ala na syang magagawa, tapos na eh.....grin!!! grin!!!

Nung college na ko maraming pagkakataon na bigla akong papasok sa ka-duplex na bahay namin kila Talen....kukunin ko mga gamit o damit nya na natitipuhan kong gamitin sa iskwela. Hiniram ko ang T-shirt nya (natural nde ako nagpaalam)....tumagal sakin ng sambwan....nde naman hinahanap kako kaya oks lang. Tapos isang araw me bisita akong kaklase ko na natapunan ng cok na pepsi yun damit kaya ang ginawa ko pinahiram ko sa kanya yung t-shirt ni Talen. Tumagal iyon sa kanya, empre tinanong ko kung nasan na nde akin yun eh. Sabi nya me kasalanan sya sakin dahil nde na daw nya makita pa. Sabi ko oks lang. Sa isip ko oks lang kasi nde naman akin eh hahaha!!! Isang araw tinanong ni Talen kung kinuha ko daw ba yung T-shirt nya....sabi ko oo. Ibigay ko na daw at gagamitin daw nya. Sagot ko, "wala eh nde ko na makita". Sabi nya..."hahanapin ko sa buong bahay nyo". Sagot ko, "no need talen dahil nde naman sa bahay nawala eh. Pinahiram ko ke Arlene nung natapunan ng cok na pepsi yung damit nya eh tapos nde na daw nya makita". Balewala sakin sa totoo lang hahaha!!! Pero nanggigigil si Talen dahil sabi nya me sentimental value daw yung shirt na yun sa kanya. Mangiyak-ngiyak sya sa harapan ko bakit daw pinahiram ko. Ako naman tinatawanan ko lang sya kako tumigil na sya kakangawa dahil ampanget nya. Tapos me pagkakataon naman na hiniram ko din ang tretorn sneakers ni Talen...pampormah bah! Gandang-ganda ang mga kaklase ko sa tretorn sneakers na sinusuot ko....madumihin sya (uso yun noon eh) Isang araw hinahanap ko sa shoe rack sa me hagdan ang tretorn ni Talen, nde ko na makita. Tinanong ko ang nanay ko, sabi nya sakin sa ilocano.....ang bata-bata ko pa daw mahina na raw mata ko. Nagulat ako dahil hindi ko na sya nakilala sa puti...nilabhan pala ng nanay ko. Nag-freak out ako kako sa kanya bakit nya nilabhan, ang sagot nya sakin..."dugyut nga balasang" Ang ginawa ko, pagsuot ko sa tretorn sneakers pinagpapaapak-apakan ko sa mga kaklase ko....sabi ko sa kanila "sige apakan nyo pa, kainis ang nanay ko eh nilabhan". Tapos kinagabihan kinuha ni Talen tretorn nya, sabi nya sakin baka hindi ko na daw ibalik, natakot hahaha!!! Sabi ko naman sa kanya, "ikaw nga halos lahat din ng pinapatahi ni nanay sakin na bestida, ikaw ang nauunang gumamit eh" Tawa sya tapos sabi nya sakin, "di kasi bagay sa yo, ambaduy mo eh, mas bagay sakin teacher ako eh", sabay dila.

Ganun kami simula noon hanggang ngayon. Mga kaibigan na sinubok ng panahon. Mga kaibigan na hindi ako iniwan nung ako ay nadapa.....bagkus ako ay inunawa at pinagpala. Ngayon hinahanap ko ang ingay ng nanay ko at lambing ng tatay ko. Ngayon nami-miss ko ang pagtawag na "sulpakya" ng tatang sa nanang at sasabihin ng nanang sa tatang "tawkininam". Magbalik-tanaw man ako sa nakaraan ng paulit-ulit....masarap pa ring namnamin ang mga alala ng mahigpit.