Monday, March 30, 2009

Butanding

Kasalukuyan akong ginaganahang maasar ke Manny Paquiao ng maalala ko ang kaibigan nitong si Pareng Wilyam na si Pareng Otto.

Naalala ko ang pagnanais ni Pareng Otto na magkaroon ng isang special olympic para sa mga butanding. Kasi nga naman meron olympics para sa mga disabled pero wala para sa mga butanding.Sabi niya tamang-tama ang larong chinese garter.

Eto nga yung eksaktong post ni Pareng Otto:

Dear Tuknoy...

Bakit ang nga mongoliod or may downs syndrome or special children ay may sariling olympic... bakit ang nga hindi maka lakad may sariling olympic na kung tawagin ay paralympic... bakit ang nga batang bading hindi man lang mabigyan ng kahit na small portion sa olympic.... hahayaan na lang ba natin sila na puro na lang ang sinasalihan ay nga Gay Beauty Pageant, SAntacruzan ng nga Bakla sa Baranggay or better to us na ang madalas na kina sasadlakan ay maging isang parlorista... sana naman may mga bading na grupo na mag lobby sa congreso para i lobby sa isang baklang congresista...[ merun bang congresista na umamin na bading?]

Make sense. Kaya naisip ko, di kaya si Manny ay isa ding butanding na wiz buking? Di kaya hindi pera ang talagang mahalaga sa mundo kundi ang kaligayahan natatamasa kung nagagawa mo ang mga bagay ng buong laya. Siguro nga isang butanding talaga si Manny kaya hindi siya nagfit-in sa GMA7. Basketbol player si Cris Tiu at JC ng survivor, born to be wild a puro kahayupan ang ibang show ng GMA7. Di kaya humiling na mgaing regular sa SIS si Manny at hindi napagbigyan kaya gustong mag-alsa balutan.

Di ba nga't naisulat sa REply 51 pahina 4 ng Dear Tuknoy ng Pareng Otto ni Pareng Wilyam:

A= all
B= bading
S=selection

vs.

G= guapot
M=machong
A=artista

Di kaya't naroon pa rin ang pagnanais ni Manny na magawa niya ng buo sa kanyang puso ang makapaglaro ng chinese garter, jackstone at piko kaya gusto niyang bumalik muli sa daigdig na pinamumugaran ng mga butanding na hindi buking. Alam ko naman na hindi maamin ng aking paboritong Mang Gabi na sa aking paboritong istasyon maraming malalansa, di ba nga't sabi ni Kuya Boy, sa abs-cbn walang leading men, kaya yung nasabi niyang kagustuhan ni Manny na lumipat sa aming istasyon na for obvious reason, yung kayang obvious reason na hindi mabanggit-banggit ng aking paboritong Mang Gabi e yung makapagtampisaw din si Manny sa batis ng nakatapis ng buong laya at makapag-curler ng walang mapanghusgang mata na sa kanya ay nakatanaw.

Pero malaking gulo ginawa nitong si Manny. Parusahan ko kaya si Manny. Ano kaya at iapkilala ko siya kina Pareng Tonette Macho, Soxy Topacio, Bernardo Bernardo at Joel Lamangan. Mga machong me kakayahan din na gamitin ang ang kanilang mapagpalang dila at kamao para lumambot ang anumang matigas kay Manny. Pero teka muna, me sarap kayang mararamdaman kung ang kamay na puno ng kalyo ang magpapalambot sa matigas sa iyo? Nak na pusang gala, ano kaya at imanikyur nila si Manny at lagyan ng pink na kyutiks? And for added good luck, pagsuutin ng panting pula? Baw gid ginoo, di kaya mag-alburoto lahat ng mga tigasin sa Tondo?

Kaya Manny, behave, behave ka na. Sana totoong ang dahilan mo ng paglipat ay dahil sa pagtakbo mo sa susunod na eleksiyon. Ayokong isipin na kaya mo pinayagang sumusunod-sunod sa iyo si Dyan Castillejo, gaya rin ng napabalitang pagsunod-sunod ni Ara Mina sa iyo dati ay dahil mas tayp mo ang mga mestisahin kesa sa mga Pinay beauties - na kulutin at lagyan ng meyk-up.

Apir.

Sunday, March 29, 2009

why i started this blog


Curiosity aside, tinamad akong maging tamad nung nakaraang linggo kaya nasabi ko sa sarili, gawa nga ako ng something exciting. E matagal na kong kyuryus sa blogging. Sige nga, subukan ko kung kaya ko.

Dami ko ng ginawa noon na di ko sukat akalaing magagawa ko. Minsan ginawa ko ang isang bagay dahil gusto kong makiuso, minsan naman na-challenge ako pero mas madalas ginagawa ko ang isang bagay sa simpleng kadahilanan - wala akong magawa.

2 linggo ata akong nagsipag na maging tamad. Oo naman, merong ganun. Sinisipag maging tamad. Lam mo yun, walang ginawa maghapon kundi humiga tapos huminga tapos matulog. Kahit pagkain, kinasipagan kong katamaran. Ligo lang ako naging masigasig. Empre, bawat tao me kanya-kanyang quirkiness, e yung akin, kahit ano katatamaran ko wag lang maligo. Tapos bigla na lang, na-bore ako. Hahaha, nakakabore din pala maging tamad. Honest. Di mo maintindihan? Wag mo ng intindihin. Ako nga mismong me katawan, hindi ko maintindihan, kaw pa kaya.

Kaya ayun, eksatong 9:12pm, March 29, 2009 Philippine time, dinesisyunan kong maging tamad sa pagiging tamad. Galaw, galaw baka bigla akong pumanaw. Sabi ko, sige gagawa ako ng konti. No big movement.

Kinalabit ko yung katabi ko. Pareng Wilyam, layas ka muna diyan sa PEP, ako muna sa internet. Kaya eto ako, pasok sa daigdig ng blogging. Walang big movement dito. Di kelangan mag-isip. Kelangan lang marunong tumipa sa keyboard. Ayos na kasunod.

Sana maging matagumpay ako dito. Sana. Kasi kung hindi baka sipagin na naman akong tamarin.