Sunday, March 29, 2009

why i started this blog


Curiosity aside, tinamad akong maging tamad nung nakaraang linggo kaya nasabi ko sa sarili, gawa nga ako ng something exciting. E matagal na kong kyuryus sa blogging. Sige nga, subukan ko kung kaya ko.

Dami ko ng ginawa noon na di ko sukat akalaing magagawa ko. Minsan ginawa ko ang isang bagay dahil gusto kong makiuso, minsan naman na-challenge ako pero mas madalas ginagawa ko ang isang bagay sa simpleng kadahilanan - wala akong magawa.

2 linggo ata akong nagsipag na maging tamad. Oo naman, merong ganun. Sinisipag maging tamad. Lam mo yun, walang ginawa maghapon kundi humiga tapos huminga tapos matulog. Kahit pagkain, kinasipagan kong katamaran. Ligo lang ako naging masigasig. Empre, bawat tao me kanya-kanyang quirkiness, e yung akin, kahit ano katatamaran ko wag lang maligo. Tapos bigla na lang, na-bore ako. Hahaha, nakakabore din pala maging tamad. Honest. Di mo maintindihan? Wag mo ng intindihin. Ako nga mismong me katawan, hindi ko maintindihan, kaw pa kaya.

Kaya ayun, eksatong 9:12pm, March 29, 2009 Philippine time, dinesisyunan kong maging tamad sa pagiging tamad. Galaw, galaw baka bigla akong pumanaw. Sabi ko, sige gagawa ako ng konti. No big movement.

Kinalabit ko yung katabi ko. Pareng Wilyam, layas ka muna diyan sa PEP, ako muna sa internet. Kaya eto ako, pasok sa daigdig ng blogging. Walang big movement dito. Di kelangan mag-isip. Kelangan lang marunong tumipa sa keyboard. Ayos na kasunod.

Sana maging matagumpay ako dito. Sana. Kasi kung hindi baka sipagin na naman akong tamarin.

1 comment:

  1. Binabati kita sa pinagkakaabalahan mong katamaran ngayon 'toy, buti at hindi ka pa natatamad huminga haha!!! Kausapin mo lang ng kausapin sarili mo dito 'toy, tyak me pyuchur ka sa mundo ng blogging haha!!! Again CONGRUCH mula sa numero unong tagasubaybay mo....balak na nga namin ni pakiss at dadi na gumawa ng kulto ni totoy_aburido eh hahaha!!! Saka 'toy hinihilo mo na naman ako sa pamili tri mo, parang nagbali-baligtad ata ngekk. Pero ganunpaman binabati kita ng malaking-malaki totoy....malayo na ang narating mo. Hosha mauna ka na don hahaha

    ReplyDelete