Kahapon sa pagbabalik tanaw ay naisipan namin ni Tatay na mag-ikot sa kahabaan ng Recto.
Gaya ng dati, andun pa rin ang mga nagtitinda ng term paper (akala ko natanggal na yun), gumagawa ng pekeng grades at diploma (me bumulong nga sa akin, Ser anong year ka grumadweyt, reserach natin kung sino pumirma sa taong grumadweyt ka). Wala na ang nagtatanong kung gusto ko ng Bedtime, Playboy o makapanood ng labia minora na kumakain ng saging o naninigarilyo sa Gala, Center o Crown theater. Wala na rin ang Dakota, sa harapan ng dating Cinerama (ngayon ay Isetan na). Masaya ko nung meron pang Dakota, pano ang daming manyak na nanood sa mga babaing umiindayog. Sige lang, habang minamanyak nila sarili nila sa kanonood sa mga babaeng halos lumuwa na kaluluwa, busy naman ang aking kamay sa kahahagod sa kanilang bulsa. Wala na rin ang mga pinball sa Cartimar Recto.
Pero me bagong uso sa Recto ngayon. Kung gusto mo ng latest model ng cell phone pero kapos ka sa budget, Recto is the place to go.Dapat mabilis lang ang mata mo sa mga fast-moving GSM agents. Ang mga cellphone na mabibili mo ng 20mil sa malls, sa mga GSM agents limang libo okei na pero kung in a hurry sila at kaya mo silang sabayan sa kanilang pagjojogging, matatawaran mo pa hanggang 2500 ang mga mamahaling cellphone. Kaya pag me nakita kang tao na kumakaripas ng takbo, sigurado sila na yun, takbo, habol, bilis kung kaya mo. In demand ang mga GSM agent na yan. Hindi lang ikaw o ang iba pang gustong bumili ang humabol. Andyan din ang mga barangay tanod, estudyante,pag minamalas, pati pulis o kaya MMDA nakikisali sa habulan - kasi ang celphone na binibili fresh from the bag o kakahablot lang sa isang tatanga-tangang naglalakad na estudyante sa kahabaan ng Recto. Didn't you know - GSM mean Galing Sa Magnanakaw. Now you know.
Saturday, April 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mang totoy teritoryo ko yan (pro maski ako nadadale din ng mga hinayupak na yan sa teritoryo ko hahaha) meron akong pwesto dati jan sa me biglang liko ng morayta pagkatapos lang ng mga tinitindang boyscout/girlscout uniform. winkk!!! roll eyes!! thesis naman ang nilalako ko jan sa katapat ng maliit na dragstore (kalimutan ko na kung anong dragstore yun at maliit na bakeshop din dun) Tapos pag mejo pagod na kong maglako, kakatayo jan sa gilid ng biglang pagliko lang ng morayta...ayos meron din jang hagdanang mataas (patagong nakapwesto sa gilid ng dragstore at bakeshop... panandaliang pahingahan ko hahaha...nice winkk!!!
ReplyDeleteGSM, galing n'yo Mang Totoy.
ReplyDelete