Minsan sa buhay natin masarap balik-balikan ang nakaraan tulad nyang ginawa ni mang totoy. Napakasarap sariwain ang ating kabataan. Mga pilyo't pilya tayo noon, maloloko, kung anu-anong mga kagaguhan ang nalalaman in short. Ako aminado ako sa tanda kong ito maloko pa rin ako...paulit-ulit pa rin akong nagkakamali....sigue-sigue lang hangga't me nakakaunawa hahaha. Abusuhin bah!!! Abusada ako eh alang pakealaman ng ugali hahaha!!!
Nung kabataan ko dami ko kaibigan, sa daldal ko ba namang ito. Ako yung tipo ng taong unang kakausap sa yo bah. Hindi mo man ako kausapin...kakausapin pa rin kita hanggang kausapin mo ako. In other words, ako ay isang taong papansin hahaha!!!
Balik tayo sa circle of fwens nung kabataan natin ika nga. Meron akong mga kababata sa kinalakihan kong lugar sa menila partikular sa lugar ng sampaloc. Kinalakihan lang pero di ako doon pinanganak. Pinanganak ako sa san esteban eh, laking menila, nag-hayskul sa antique tapos balik menila uli hanggang mapadpad sa ibang lupalop. Ang mga kababata ko na mga naging kalaro ko noon doon, garabeh ang klosness namin sa isa't isa. As in sabay-sabay kami ng oras ng paliligo, usapan na yan. Tapos pag-uusapan namin kung anong kulay ng panty namin. Dapat pare-pareho ang kulay ng panty naming magkakalaro at pareho din ang kulay ng short at sando namin. Ganun kami eh hanggang sa naglakihan kami nasa mga kolehiyo na. Walang nagbago. Si Talen nung maliit kami, tawag namin Lalen. Sya ang pinaka-leader naming magkakalaro dahil sya pinakamagulang, sa madaling-sabi dinadaan nya palagi sa edad porke sya pinakamatanda samin. Nung lumaki na kami naging TaLen dahil yung mga pamangkin nya ang tawag sa kanya TaLen. Short for tita lalen, empre mga bata hindi nabubuo kadalasan mga salita. Nakasanayan na rin naming gayahin. Yung isa si TaDo'. Me diin ang pagbigkas sa huling letra huh!!! Dolce kasi ang namesung nya talaga. Eh yung mga pamangkin nya ang tawag sa kanya TaDo' short for tita dolce. Yung isa naman si TaIna...nde po mura yan....agen tinawag syang TaIna ng mga pamangkin nya short for tita reina. Sa kadahilanang alam nyo na...eh kasi bata!!! Magkapatid sina TaDo' at TaIna....obyusli naman sa pangalan na lang hawig na hawig. Yung isa naman si Duday tapos ako. Lima kaming magkakalaro noon na hanggang sa nagsipagdalaga at nagkanya-kanya ng propesyon eh magkakaibigan pa ring mahigpit maski hanggang ngayon. Kami yung tipong magkakaibigan na once na me hiniram kang isang bagay....asahan mo wala ng balikan yan hahaha!!! Pasalamat pa nga ako minsan pag ipapaalam na hihiramin yung isang bagay sakin. Dahil pag minamalas-malas ako sinisisi ko pa ang sarili ko dahil ako si kalimutin....sobra. Iniisip ko saan ko ba inilagay....alam ko dito lang banda. Yun pala hiniram sakin ng hindi nagpapaalam hahaha!!! Pare-parehong ilocana ang mga nanay namin pwera ke Duday, ibannag nanay nya, tubong Isabela pero ganun din, nakakaintindi din ng wikang ilocano. Silang apat eh ka-counterpart din namin, palaging nagchichismisan. Sila yung tipong ginagawang monday to saturday club ang umpukan, linggo lang ang pahinga. At teyk nowt sila-sila nagyayabangan hahaha!!! Nuong elementary days ko, naririnig kong nagpaparinig ang mama nina TaDo at TaIna sa amin. Dikit-dikit ang mga bahay eh, yung bahay nina TaDo at TaIna eh nasa me bandang pasilyo na namin, bandang likod kasi me pintuan pa kaming isa sa likod na papunta sa kusina. Doon sa me pasilyo, bungad naman ng harapan ng pinto nina TaDo at TaIna. Isang tanghalian, nagparinig si Nana Lety (yan ang tawagan namin sa mga magulang ng mga kaibigan namin, Nana at Tata) ng "alaem man diay prayd chiken Dolce". Teyk nowt, nilalakasan pa nyan na dinig na dinig namin sa bandang kumedor namin. Tapos bubulong ang nanay ko ng "hhmmmppp lastog" hahaha!!! Sasabihin ko sa kalaro ko "buti pa kayo prayd chiken ulam nyo, kami gulay na naman" (na parang nagmamaktol) Bigla sinabi ni Nen (TaIna) "anong prayd chiken, gulay din ulam namin noh"! Tapos tawanan na kami ng tawanan hahaha!!! Palagi silang nagbibigayan ng ulam kahit na wala namang okasyon, pakbet, buridibud, diningdeng. Wala lang nakasanayan na nila. Purgang-purga nga ako ng nanay ko sa gulay eh...andalang kong makatikim ng bagnet. Roll eyes...roll eyes. Empre ule ilocano, mas mura gulay kesa karne eh. Sasabihin ng nanay ko sakin palagi, "bingbeng it-ted mo man daytoy diay bangirr". Sasabihin ko naman, "saang diay bangirr, nagadu ti bangirr". Sasagutin naman nya ko ng "ukkim" at sesenyas sa ka-duplex na bahay. Alaga ako ng nanay ko sa mura bah, ganyan ako kamahal. Ako yung tipo ng batang laging sinisigawan sa kalye sa gitna ng kasarapan sa paglalaro. Palaging nasisigawan ng "bingbengggg agay-ayam ka manen, sumrek ka ditoy ingka agdal-dallusen, tawkininam". Napakaingay ng nanay ko sa totoo lang. Tipikal na manang biday ika nga. Kabaligtaran ng tatay ko, kahit galit na eh malambing pa rin ang boses....ilonngo eh!!! Matatawa ka nga sa peyrents ko, wanopakaynd hahaha!!! Ang nanay kakausapin nya ang tatay ko sa wikang ilocano tapos ang tatay ko naman eh sasagutin sya ng wikang bisaya. Nagkakaintindihan naman sila hahaha!!! Tawa nga ng tawa ang mga kalaro ko noon, sina talen, tado, taina at duday. Kami yung magkakalaro na pagdating na pagdating galing iskul eh tatambay na kagad sa labas....eksayted araw-araw na magbida sa bawat isa. Minsan nga eh natatanggalan pa ko ng panty ng nanay ko para lang nde makalabas hahaha!!! Tinatago ang mga panty at short ko para pumirme naman ako sa bahay. Tabi-tabi lang din ang bahay namin. Ang pinakamalapit na bahay sakin eh yung kila Talen as in duplex yung bahay namin. Iisa lang kasi ang me-ari. Yung kwarto ko eh merong maliit na pinto papunta sa bahay nila Talen. Bale pag pinasok mo yung maliit na pintong yun eh kwarto na ng mga boarders nila. Nagpa-board ang mama nya dahil mejo marami sila. Nung nasa ikatlong baytang na ko sa Mababang Paaralan ng Juan Luna bandang Lepanto at Cataluna, (public lang ako sikyu lang ang tatay eh at pagdating sa probinsya naman ay magsasaka) nagpa-board na rin ang nanay ko dahil ako si hikain talaga, laman ako ng Mary Chiles palagi sa Gastambide, laging inaatake lalu na kung sobrang init ng panahon. In shortness magastos ako sa gamot. Ang tinanggap ng nanay ko na mga nag-aaply eh puro ilocana at nagsisipagtarbaho na. Ayaw ng nanay ng estudyante dahil magastos daw sila sa ilaw, empre mga magsisipagpuyatan yang mga yan sa pag-aaral daw at sa teno, empre naisip ng nanay mahilig magtelebabad ang mga estudyante. Empre what will you ekspek sa utak ng mga Ilocano....tatlong salita lang yan....tipid...tipid....at tipid. Sa lugar namin sa Bustillos kahit na hindi iyo ang bahay eh pupwede kang magpa-board, dami gumagawa nyan duon. Abah dami naghahanap ng matutuluyang boarding-house ang mga estudyante sa bandang Bustillos. Kahit na nga ang isang bahay dun sa me amin eh hindi nagpapa-board, kahit walang mga nakapaskil sa pinto na "WANTED LADY BEDSPACERS"...eh talagang kakatukin pa ng mga estudyante at magtatanong kung nagpapa-board daw ba sila hahaha. Yung iba nga mamimilit pa na tumanggap na lang sana sila ng boarders daw hahaha!!! Yung kwarto ko eh hinati ng tatay ko na nagsilbing karpintero sino pa ba? Kaya yung pintuang maliit na yun na papunta kila Talen eh napunta sa bandang area na ng mga boarders namin. Kaming magkakalaro noon eh palaging nagbibidahan...sa mga kuya, ate at mga kapatid nila. Nakikinig na lang ako sa kanila palagi, ala ako eh. Naiinggit ako sa kanila dahil sila me naaaway silang mga kapatid. Ako ala akong maaway sa loob ng bahay namin. Alangan namang awayin ko peyrents ko at mga boarders namin. Kaya naisipan ko tuloy mag-hayskul sa probinsya ng tatay ko sa antique. Ayaw ng mga kalaro ko dahil magkukulang na daw ang Star Rangers...star ranger 3 ako eh....we are the star rangers...paborito namin yan noon. Pero kako gusto ko namang maranasan yung magkaron ng parang kapatid.... empre pag mga pinsang buo mo eh, parang mga kapatid na rin yun. Shado rin naman akong nag-enjoy ng hayskul sa probinsya. Pagbalik ko sa menila, eksayted ako makita muli mga kalaro ko. Tinawanan nila ako ng tinawanan, ulikba na raw ako kase. Sabi ko sa kanila di bale naranasan ko naman pakiramdam ng me mga kapatid. Sa madaling sabi bak tu gud 'ol deys na naman kami ng mga kababata ko.
Nung nasa kolehiyo na ko, namulubi ang nanay ko sakin. Dahil kahit iisa ako ang gastos ko daw (magaling din kasi akong magdoktor ng mga resibo ng tuition fee ko noon. Kelangan kong gawin yun dahil saksakan ng kunat ang nanay ko....sumalangit po sensya na po....kelangan lang ilabas ang katotohanan po) Nung nasa second year college na ko, si Talen titser na sa eskwelahan ni Tony Tamayo sa LP (yan yung tym na wala pa sa pulitika si Tony Tamayo). Empre kumikita na si Talen habang ako pinagkakakitaan ko nanay ko kakakupit. Saan ka ba naman nakakita ng yung pitaka nya eh ipinapardible nya (yung malaking pardible, saka yung mga pitaka noon kasi mga tela-tela pa) sa loob ng bulsa ng duster nya (na pwedeng tumindig na mag-isa sa kaka-almirol....alala ko hirap na hirap ako dati sa pagpaplantsa ng mga duster nya, gustung-gustung inaalmirol, ibibilad sa yero doon sa me bubong namin na sampayan)....panalo ang nanay ko pagdating jan. Kilala nya kasi ako eh. Kaya ang ginawa ko, idinaan ko sa legal na paraan ang pagkupit sa nanay ko. Tulad ng pagpapakita sa kanya ng resibo ng mga binabayaran kong tuition....sa totoo lang garabeh ang ginawa kong pagkupit. Sinagad ko talaga ang nanay ko noon as in libu-libo ang patong sa tuition ko....minsan pa nga eh umabot ng kwatro mil ang patong na ginawa ko....bah nung early 90's napakalaking pera na nyan....tiba-tiba ako noon. Pero nag-compess naman ako sa nanay ko sa ginawa ko sa kanya...nung me isip na ang anak ko. Ala na syang magagawa, tapos na eh.....grin!!! grin!!!
Nung college na ko maraming pagkakataon na bigla akong papasok sa ka-duplex na bahay namin kila Talen....kukunin ko mga gamit o damit nya na natitipuhan kong gamitin sa iskwela. Hiniram ko ang T-shirt nya (natural nde ako nagpaalam)....tumagal sakin ng sambwan....nde naman hinahanap kako kaya oks lang. Tapos isang araw me bisita akong kaklase ko na natapunan ng cok na pepsi yun damit kaya ang ginawa ko pinahiram ko sa kanya yung t-shirt ni Talen. Tumagal iyon sa kanya, empre tinanong ko kung nasan na nde akin yun eh. Sabi nya me kasalanan sya sakin dahil nde na daw nya makita pa. Sabi ko oks lang. Sa isip ko oks lang kasi nde naman akin eh hahaha!!! Isang araw tinanong ni Talen kung kinuha ko daw ba yung T-shirt nya....sabi ko oo. Ibigay ko na daw at gagamitin daw nya. Sagot ko, "wala eh nde ko na makita". Sabi nya..."hahanapin ko sa buong bahay nyo". Sagot ko, "no need talen dahil nde naman sa bahay nawala eh. Pinahiram ko ke Arlene nung natapunan ng cok na pepsi yung damit nya eh tapos nde na daw nya makita". Balewala sakin sa totoo lang hahaha!!! Pero nanggigigil si Talen dahil sabi nya me sentimental value daw yung shirt na yun sa kanya. Mangiyak-ngiyak sya sa harapan ko bakit daw pinahiram ko. Ako naman tinatawanan ko lang sya kako tumigil na sya kakangawa dahil ampanget nya. Tapos me pagkakataon naman na hiniram ko din ang tretorn sneakers ni Talen...pampormah bah! Gandang-ganda ang mga kaklase ko sa tretorn sneakers na sinusuot ko....madumihin sya (uso yun noon eh) Isang araw hinahanap ko sa shoe rack sa me hagdan ang tretorn ni Talen, nde ko na makita. Tinanong ko ang nanay ko, sabi nya sakin sa ilocano.....ang bata-bata ko pa daw mahina na raw mata ko. Nagulat ako dahil hindi ko na sya nakilala sa puti...nilabhan pala ng nanay ko. Nag-freak out ako kako sa kanya bakit nya nilabhan, ang sagot nya sakin..."dugyut nga balasang" Ang ginawa ko, pagsuot ko sa tretorn sneakers pinagpapaapak-apakan ko sa mga kaklase ko....sabi ko sa kanila "sige apakan nyo pa, kainis ang nanay ko eh nilabhan". Tapos kinagabihan kinuha ni Talen tretorn nya, sabi nya sakin baka hindi ko na daw ibalik, natakot hahaha!!! Sabi ko naman sa kanya, "ikaw nga halos lahat din ng pinapatahi ni nanay sakin na bestida, ikaw ang nauunang gumamit eh" Tawa sya tapos sabi nya sakin, "di kasi bagay sa yo, ambaduy mo eh, mas bagay sakin teacher ako eh", sabay dila.
Ganun kami simula noon hanggang ngayon. Mga kaibigan na sinubok ng panahon. Mga kaibigan na hindi ako iniwan nung ako ay nadapa.....bagkus ako ay inunawa at pinagpala. Ngayon hinahanap ko ang ingay ng nanay ko at lambing ng tatay ko. Ngayon nami-miss ko ang pagtawag na "sulpakya" ng tatang sa nanang at sasabihin ng nanang sa tatang "tawkininam". Magbalik-tanaw man ako sa nakaraan ng paulit-ulit....masarap pa ring namnamin ang mga alala ng mahigpit.
Sunday, April 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hindi ko naisip na naging bata ka rin pala. Akala ko basta ka nalang inutot sa mundo tapos nadiligan ng konting ulang, nasilayan ng araw hanggang umusbong at nagin isang ganap na tao.
ReplyDeleteat mukhang ibinuhos mo ang isang araw sa pagbabalik tanaw...ahihihihi
ReplyDeletesana man lang nilagyan mo ng part 2 or part 3 para medyo kapapanabik....emoooote na emoooote...nyahahaha
*jas*
nyahahahah lokah ka jas....yan naman eh di dire-derecho ko nitype kaze bali-baliko nga utak ko eh paputol-putol pagbabalik-tanaw jan dahil kung didirechuhin ko pagbabalik-tanaw aba malamang maputol na rin ng tuluyan kaligayahan ko sa pyuter ahahahah
ReplyDeletesige lang mang totoy alipustahin mo pa ko.... sarraappp ahh!!!
ReplyDelete