Bakit ba kailangan pang hintayin ang Mayo upang pag-ukulan ng alaala ang ating mahal na ina? At bakit din kailangan pang hintayin ang ikalawang araw ng Linggo ng buwan ng Hunyo upang alalahanin naman ang ating ama? Tanda ko pa noong elementary, naglalagay kami ng maliit na pumpon ng cadena de amor sa dibdib tanda ng paggunita sa kadakilaan ng mga ina. Bakit nga ba cadena de amor para sa mga nanay? Napasilip tuloy ako kung ano meaning ng cadena de amor, "chain of love" pala. Sa tagalog tanikala ng pag-ibig.
Masasabi kong lagi kong pinararangalan si tatay sa palagiang paggamit ng aming apelyido sa aking propesyonal na buhay. Ganun din kay nanay, palagi kong ginagamit ang panggitnang P sa aking pangalan. Ngunit higit dito inaamin kong utang ko sa kanila kung ano man ako ngayon.
Palagi kong naririnig noon maski hanggang ngayon...sabi nila pag nagsilang ka na ng sanggol...bayad ka na daw sa nanay mo. Para sa akin, hindi rin ganon. Kailangang arugain, palakihin ng tama, bigyan ng karampatang pagmamahal...hindi lang basta iluluwal mo.
May isang bagay na lagi kong naaalala tungkol sa tatay na naging gabay ko sa pagpapalaki sa anak kong babae. Sabi nya: "Hangga't maaari kailangang pasundan mo ng mabuti ang anak mo. Huwag mong pabayaang mangailangan ng atensyon yang anak mo. Ang anak na babae na hindi uhaw sa pagmamahal at aruga ng magulang ay nagtatapat sa kanila, lalo na sa kaso mo, sa kaso nyong mag-ina para hindi mag-isip humanap ng "sugar daddy" yan." Kinalabasan, umabot ng labintatlong taon bago tuloy nasundan...kakasunod at kakasubaybay ko sa nagdadalaginding na anak. Meron pa akong palaging naaalala sa tatay ko, palagi nyang sinasabing..."huwag kang magpapaliwanag: hindi kailangan ng kaibigan mo iyon at hindi ka naman kelanman papaniwalaan ng kaaway mo anumang paliwanag ang gawin mo." Gusto ko sanang magsulat ng bisaya para din "i-reminisce" ang paraan ng pakikipag-usap ng tatay ko sa akin. Kaya lang baka mahilo na ang iba. Ang nanay ko naman sinanay akong palaging magrosaryo kada gabi bago matulog na hanggang ngayon ginagawa namin, magsipaglakihan man ang mga anak ko, nungkang magka-apo pa ako.
Para sa alaala at pagbibigay-pugay sa tatay at nanay...patuloy akong dumadalaw sa kanilang puntod kada linggo...walang palya...umulan o umaraw...uminit o lumamig sobra...wala akong liban simula noong lumisan sila. Pero madaya ka pa rin nanay...natakasan mo ako...sabi ko dati huwag ka munang umalis...dahil takot pa akong mag-isa...pero ramdam na ramdam ko na rin noon pa...na ayaw mo na talaga.
Ganunpaman...anu't anuman ang mangyari makakaasa kayong ipagpapatuloy ko ang mga nakagisnang kaugalian ninyo...kung paano ninyo ako hinubog, ganun din ang gagawin ko sa mga anak ko. Hindi kelanman kailangang hintayin ang mga buwan ng Mayo o Hunyo para lang alalahanin ang ating mga magulang. Pwedeng kahit sa araw-araw banggitin natin na mahal natin sila..."corny" mang lumabas. Pwedeng kahit kada linggo o kada buwan man lang "i-treat" natin sila. Lahat ng paraan gawin na, huwag ng ipagpabukas pa...para mabatid nila na kahit tayo'y me mga kanya-kanya ng pamilya...kahit tayo'y me kinabibilangan ng mga grupo ng mga matatalik na kaibigan...maramdaman nilang mahalaga pa rin sila...bago sila tuluyang maging isang ganap na alaala.
Tuesday, April 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
jas where are u....i need someone to talk to....i am hurting
ReplyDeleteemote na naman?... huhuhuhu!!!
ReplyDeletenapapagaya tuloy ako sa yo...
remember ko nung madedo ang erpat ko..
never said i love you nor i am sorry...
pasaway pa naman ako... :P
but then inaccept ko na sa sarili ko
na maybe it's better for him to rest
than to continue feeling the pain of what he's been thru...
andun na yung acceptance
then letting go...
after, moving on....
and finally moving forward...
so ang tangi kong masasabi
accept and let go...
look forward na lang sa kapalit
na nasa puson mo..:D
okidoki?
*jas*