Wednesday, April 8, 2009

Si Bebs.

Kagabi, sobrang init. Hindi ko nakayanan. Butas-butas ang bahay namin kortesy of the last typhoon, maraming pwedeng paglabas-pasukan ang hangin, pero anak ng pusang babaeng itim (mas tama atang itim na babaeng pusa, adjective before noun sabi dun sa isang english book na sinikwat ko sa babaeng nagtitinda ng second hand book sa gilid ng gate ng FEU sa Morayta) mainit pa rin.

Sa sobrang init, inaya ko tung Under-The-Spell (UTS) kong kaibigan na magpalamig sa kahabaan ng Quezon Avenue, mula sa Roxas hanggang bago magDelta. Pero dahil Holy Week walang aksyon. Sayang me discount card pa naman ako sa Sogo nawala ang pagkakataon kung mabuyo si UTS sa biglang yuko sabay liko.

E sobrang init talaga kaya lumarga kami patungong Timog. Magsasagwa. Pero wala, lahat ng masasagwa nasagwaan din sigurong gumawa ng masagwa kaya tahimik ang gabi ng Timog. Kain na lang tayo sabi ni UTS. Sige kako para di naman masayang ang unrestricted gatespass ni UTS na milagrong pinirmahan without concern ni Panget.

Wala talagang kwenta ang Maynila pag Holy Week. Halos lahat ng okei na establishments sa Timog maagang nagsara. Sa kaiikot, namataan namin ang DAmihan. Promo for the night, paskil sa labas nito - P595 for 8 bottles of SMBLite, 4 sticks of barbecue at isang order ng tokwa't baboy. For a small additional price, dressed spring chicken ready to serve at your pleasure. Ba okei. Pasok kami.

Brown out ba, tanong namin pagpasok. Di po ser. Nagpatay lang kami ng ilang ilaw para mabawasan ang init. Kuha kami ng table. Sa entablado, ilang kabataang babae ang sumasayaw at kumakanta. Siguro dahil sa init, fishnet lang ang suot nila. Okei lang, dim light naman, kaya hindi na siguro kami nagkakasala.

Matumal ang negosyo kami pa lang ang nasa loob. Promo senyas ko sa waitress. Okei Sir. Mabilis naman ang service, siguro dahil kami pa lang nga ang customer, kaya andyan agad ang order namin. Matapos ang 16 na bote ng SMBLitebeer, lumapit ang me isang katabaang babae. Ser gusto niyo ba ng dressed spring chicken?

ang mga sumusunod ay totoong pangyayari at hindi kathang isip lamang


For a small additional price, naalala ko. Sige. Magkano. P5000 sir. Ang ilokanong si UTS nalaglag sa kanyang kinauupuan. Mahal, ano ba meron sa chicken na yan. Sabi ni Taba, sir sigurado magdadagdag sa kainitan ng gabi ang dressed chicken namin. Sira ulo ata itong si Taba, mainit na magdadagdag init pa. Mahal pero one for the Ripley's, umokey ako.

Bigla namatay ang ilaw. Brownout? Dim lite ang sagot sa aking tanong. Maya-maya isang babae ang lumapit sa amin. Bebs sir, pakilala niya. I'm your dressed spring chicken for the night. Nya. Nakatapis din si Bebs ng fishnet gaya ng iba pero mukhang mas madaling maabot ang langit sa sobrang lapit ni Bebs sa amin. Sa saliw ng walang kamatayang The Power of Love, umindayog si Bebs at hinagis sa aming mesa ang kanyang tapis na fishnet. Wow, mukhang colorless bra at panty - liyad, dapa, dipa, sirko, dun ko lang napansin, nakahikaw pala si Bebs. Lintik na bata to, kung makasayaw lalo na at naglap dancing ke UTS parang walang buto. At habang naglalap dancing si Bebs ke UTS, maliban sa hikaw, me iba pa kong napansin ke Bebs. Maganda ang kanyang shoes.Coz you're my lady and I am you're Man birit ng musika, biglang sumirko si Bebs at bumukaka sa aming harapan. Sus ginoo, patawarin kami ng mahabaging langit, lumalapit, lumalapit. Malapit man, malayo din akhit anong iwas ang iyong gawin, ayan na ang (dis)grasya? Mahirap sa madilim. oops, ano tong nasasalat ko. Makinis. Malambot. Uhhm ang bango. Pure leather wallet ng customer sa katabing mesa ko pala, sumabit sa kamay ko. Thanks for the distraction Bebs. Pero sa totoo, akala ko nung una dahil sa dilim na paligid, nakacolorless panty si Bebs with dark shades in the middle. Pero sa unti-unting pagliwanag na paligid, si Bebs, uhmmm, si Bebs, anak ng pusang gala si Bebs, nyahahahha, si Bebs, walang panty. Tama si Taba, lalong uminit ang panahon.

Ang aming dressed spring chicken, undressed na ngayon!

Pero me ispesyal ke Bebs. Di lang maganda si Bebs, mukhang long lost twin siya ni Marian Rivera. Sa tayo pa lang, Marian na ang dating niya, sama mo pa ang boses pati ang kanyang nakakapagtayo ng kahit ano na ngiti, Marian na Marian ang dating ni Bebs. Kung hindi ko lang nabasa sa isang news na wala sa Menila itong si Marimar, sasabihin kong si Marian ang babaeng lumiyad, dumapa, dumipa, sumirko, nagsplit at nagpakita ng kuyukot sa amin.

Pwedeng masabi na si Marian ang undressed chicken na nasa aming harapan. Pareho silang Psychology majors. Pareho silang multi-talented. Pareho silang me maamong mukha at me ngiting babalik-balikan. Pareho silang magaling sumayaw pero si Bebs anak uli ng pusang itim, pati dibdib, nagtsatsatsa. Dun pa lang alam mo ng hindi talaga si Marian yun. Kamukha lang.

Kaya kahit ako ay isang KAPAMILYA masasabi kong hindi si Marian ang babaeng nakita namin sa DAmihan. Bakit?

Una, ang alam ko si Marian natapilok lang ang paa pero si Bebs sa tingin ko nabalian kaya wala ng buto ang katawan niya. Hanep gumiling at kung makaliyad, kulang na lang i-slam dunk sa mukha namin ang kanyang hinaharap. Tsaka di ko nabalitaan kahit kelan na athletic si Marian, si Bebs, wowowee, magaling na gymnast, acrobat. Palagay ko nga, me certificate din sa scuba diving itong si Bebs, ala eh, ang galing sumisid.

Pangalawa ang alam ko si Marian, tigre kaya napagkakamalang suplada. Pero si Bebs, di siya tigre. Isa siyang sawa. Husay lumingkis - kamay at paa nakapulupot me bonus pang kadyot-kadyot.

Pangatlo, mukhang me medical training si Bebs. Galing magbigay ng mouth to mouth resustayon. Saan kayang medical school nag-aral si Beb dahil ang dila niya pasok hanggang lalamunan ni bespren UTS.

Pang-apat, busy si Marian at busy rin si Bebs pero si Bebs ang nakilala kong masaya sa kanyang pagiging multi-tasker. Kamay, paa, labi, dibdib, dila, bewang, sabay-sabay, nagtratrabaho walang reklamo.

Is pa, kumakanta ba si Marian ng walang sound?

At higit sa lahat, malabong si Marian ang nasa harapan namin. Kasi si Marian, MEDYO lang, si Bebs, MOUNTAIN DEW.

Milagrong malaki, Holy Week at mukhang wala na sa sarili si UTS, nag-aya sa VIP. Sabi ni Bebs, SIR, please be gentle, its my first time. First time? Oh my gulay. Naisip ko tuloy,gumagamit din kaya ng virginity soap si Bebs?

3 comments:

  1. Saan ba yang Damihan.

    ReplyDelete
  2. Hoy mang totoy lanjak ka talaga...mahal na araw na mahal na araw eh puro kahayukan sa laman yang asa isip mo...grin...grin!!! pagkatapos kong binasa ito ngayon, nag-init din ako nyahahaha!!! binalak ko sanang sayawan etong isa dito kaya lang napakasagwang tignan ng isang namamanas na gumigiling-giling ahahaha...hindi na lang baka magiling ako ng buhay hahaha

    o ayan me nagtatanong na kung saan yang Damihan na yan...linshak ka me mahahatak ka pa tuloy sa ano....doon sa ano...wink...wink!!!

    ReplyDelete
  3. yan ba yung malapit sa ponciano's na kainan

    ReplyDelete