Saturday, April 18, 2009

Si Pareng Ted

I am surprised.

People (who) daw are reacting to the way the police are handling the investigation. Too rough (daw) kay Ted.

I say syet na malagket, people are just reacting because it is TEd. The police are just being true to themselves. They acted the way they do to all financially challenged (hence di maka-name drop)Juan and Juana dela Cruz out there.

In fact, I would like to say BOO to the police for giving TED the Royal or VIP treatment. Kung si ordinaryong Juan dela Cruz ang napagsuspetsahan ng pumatay sa kanyang Misis, kalaboso na yan agad, care ba ng mga pulis kung gusto rin ng Mister na makidalamhati dahil nasa ospital ang Mrs. niya. Pero sa Pareng Ted, alahoy, pinayagang pumunta sa ospital for what - HUMANITARIAN REASON daw. Me ganire ba sa mga ordinaryong Juan dela Cruz na ang pwede lang iname drop e me kamag-anak silang nagwawalis sa MMDA.

Nagrereklamo daw ang mga kapatid ng asawa ni Ted. The police daw were too rough. Aba, dapat nga masaya sila dahil sa wakas nagtatarbaho na ng maayos ang mga pulis. Walang mayaman, walang mahirap, walang me pangalan, basta me kasalanan, kahit na pressumed, assumed, kaladkarin agad, tsaka na paliwanag. Paano na kaya si Juan dela Cruz, illegal ng pinasok ang bakuran, pinalo pa o nabatukan ng baril, at mas madalas nakukwelyuhan pa, bakit walang tv coverage pag umaatungal ng hustisya.

Kawawa nga si Ted. Tignan mo, anak ng pating, sa sobrang kawawa si Ted, andun agad yung pinuno ng PAO. The heck. Tignan mo nga, pati yung nag-iisang opisina na dapat para lang sa mga naghihikahos na di kayang magkaroon ng abogado,napasugod agad, at holy shet na maglket, nag-isyu pa ng legal opinion in favor of the kawawang Ted. Tell me PAO, bakit pag yung mga nagmamartsang raliyista, yung mga nakatsinelas lang ng 3 for P100 na kitang-kita pa sa TV na pinapalo ng mga pulis, bakit ala kayo dun para magtanggol para sa kanila. Paki-explika po. kulang po ba sa tv eksfosure (with apologies to Patani) kay no time kayo run.

Pasensiya na po kung napahaba, sobra po akong surprised sa outpouring of grief para ke Pareng Ted. :ife is really unfair for ordinary guys like me. Bakit kaya sa pamamahay namin, pag naglaba ako bigla ng aking polo, me sapok ako agad ke Misis. Ang krimen ko? Inassume ni Misis na pag naglaba ako, I am hiding something. Si Pareng Ted, isang dakilang mambabatas, naglinis ng ebidensiya, gusto pa ata ng pat in the back and someone to tell him, Good Job, Ted.

4 comments:

  1. hay salamat me bago na kong nabasa...kala ko sisipagin ka uling tamarin dito mang totoy eh kze kaka-comment ko lang din kahapon sa mga tanong ni pangga!!! eh hindi ba kaya lang naman nanduon ang PAO dahil na rin inaasistehan nila yung mga kasambahay ni ted na naikulong kagad ng mga pulis at hindi nakalabas kagad? yun ang pagkakaalam ko sa nabasa ko, yung mga rights ng mga kasambahay ang iniisip ng PAO dahil unlike mang ted obyusli iba ang treatment ke mang ted kesa sa mga kasambahay samantalang all of them are prime suspects naman...hindi baga?

    sana wag kang tamarin dito mang totoy...kahit sabihin nating ako na lang ata halos ang nagco-comment...aganannag po kayo

    ReplyDelete
  2. reading reading langApril 20, 2009 at 1:25 PM

    good one, totoy. applause!

    ReplyDelete
  3. Mang Totoy, pwede po bang magtanong? Naranasan n'yo na po bang maakusahan, na wala kayong kasalanan?

    ReplyDelete
  4. Magandang araw pala sa inyong lahat. Sana po welcome ang mga comments ko rito.
    Salamat.

    ReplyDelete