Friday, May 8, 2009

Larawang Kupas

Nakalilibang ding pampalipas-oras
Ang pagbusisi ng larawang kupas
Na sa puso'y nagbibigay lunas

Mga larawang may ngiti sa labi
Mga alaalang sa isip hinahabi
Kasalukuya'y pilit itinatabi

May mga ngiting kaygandang pagmasdan
Ang ibang kuha nama'y di maintindihan
Magkaganunpaman, sila'y manananahan

Bawat puso'y naghahanap
Ng sa kanya'y lilingap
At para sa mga pangarap
Upang mabigyang ganap

Muling isara ang aklat ng lumipas
Humugot ng hiningang kaylakas
Upang manumbalik ang panata ng pantas
At harapin ang pausbong na bukas

1 comment:

  1. mapa englis man o tagalog wala ka na talagang hahanapin kay ga ko...wink...wink....

    aceborn

    ReplyDelete