Friday, May 8, 2009

Wala pa rin

sabi nung isa jan
gawa daw ako ng www...
naisip ko tuloy
ano kaya dun sa mga www ang isusulat ko
madami ako nun eh

nung pers taym kong mag work sa bansang "amoy melon-melon amoy"
wala akong alam na arabic word..meron man basic lang
ung "salamalaykum"."malaykum salam","shokran","afuan" to say the few..
ngayon after 20 years,yun pa rin ang alam ko...
ang heeeraap kaya... or siguro hindi lang ako interesado
nawalan lang ako ng interes,kasi ba naman ang amo ko
sabihan ako ng "u'd better talk in english,ur arabic is worse"
nagtatanong man ako sa mga junakis ko,di ko naman nagagamit...

pero ang natatawa ako sa mga family names nila
one time ask ko si amo,"san galing ang mga apelyido nyo?"
sabi nya... (sulat ko na lang kung ano pagkakaintindi ko)
nung unang panahon daw,nung di pa uso ang passport
wala silang family names...
nung mauso ang census at kelangan may maisulat sa passport
ang ginawa ng mga tao,kung ano ang "tawag" sa knila
un ang ginamit nilang apelyido...
sampol-- si mang totoy--aburido..
so yun ang naging family name nya-- totoy aburido

infact ang family name nila-ng amo ko- hango sa chicken pox
dahil ung lelong daw nya sa father side
laging tinutukso ng mga kalaro nung magkaron nito..
ang lelong naman nya sa mother's side
hango sa usok,dahil lagi daw nagpapausok sa loob at labas ng bahay

napaisip tuloy ako dun
sa atin kaya ganun din?
san nga din kaya galing ang mga apelyido natin?
ung apelyido ko?... nyahahahaha...wag na lang
baka bumangon ang mga ninuno ko pag nasabi ko

ikaw... alam mo ba kung saan hango ang apelyido mo?

5 comments:

  1. sana pala di ko na lang nilagyan ng icons
    pampagulo pa *roll eyes*

    ReplyDelete
  2. pers koment kagad otor ah...empre love ur own
    jas bakit parang asa dee tayo...(ngiting aso)

    ReplyDelete
  3. ahahahaha..
    lokah.. kala ko maganda kalalabasan nung icon eh.
    kaso may square square pa...para tuloy akong nagbebenta ng emoticons.. :D

    palitan na lang tayo ng posts d2 ah
    kulang na lang lagyan ko ng DD
    nyahahaha

    *jas*

    ReplyDelete
  4. ikaw nga ang locah di ba, limot mo na ba name mo? buy one take five ba yan jas un mga emo mo...(ngiting aso pa rin)

    gusto mo bang masipa ni mang totoy d2 pag nilagyan mo ng dee...baka gumanti kse yan nung sinipa ni dee dati nung tinawag nyang iba...kaya un pinanganak si tuknoy

    kausapin mo lang ng kausapin sarili mo d2 para zaken ok na...no comments at all or what basta u have the overwhelming power to unleash the dragon inside of u este mali!!! I mean to unleash what's ur inner thoughts...for me it's something more important...comments are just a bonus na lang siguro that comes from the readers. But with readers or not...with comments or not, i think i have a vast topics to write. Little did i know that i have so many in stored in my mind presided by life...wag lang akong iko-korek ng grammar cuz i know my grammar sucks sumtimes or shall i say...most of the time!!!

    HAPPY MOTHER'S DAY JAS MY FRIEND

    ReplyDelete
  5. happy mother's day sa inyong dalawa...jas at ga....

    aceborn

    ReplyDelete