Saturday, May 16, 2009

Silang mga Mapagmahal

Lumalawak ang mga kapatid sa pananampalataya
Dumarami ang umaanib sa pederasyong malaya
Anupaman ang kasarian iyo'y matatawag pa ring biyaya

Wala raw kinikilalang kasarian ang dulo ng mga ugat
Kayat mga eba't adan man ang sumalat-salat
May luwalhating sa langit na tiyak na sasambulat

Ka-on, ka-affair, ka-relasyon man ang tawag
Sa kanila'y nasasalamin ang silay ng liwanag
Sumisiklab, nag-uumalab minsa'y nababahag
Uri ng pagmamahal nilang hindi maipaliwanag

Pilit mang sikilin ang tunay na damdamin
O umastang machung-macho ang dating
Lalabas at lalabas pa rin ang pagiging mahinhin

Ang iba nama'y hindi malaman ang pipiliin
Kung mahabang talong o mapulang tahong ang dapat kalikutin
Anupaman ang kanilang naisin
Rurok ng ligaya'y mararating pa rin

Mayroon din namang mga kapwa eba
Natutunton ang ligaya sa kani-kanilang mga kweba
Pompyangan pala ang hanap aba!
Tinutugtog ang isa't isa at hindi ang sa iba

Tawag ng kalikasan kanilang tinutugunan
Init ng katawan kailangang pagbigyan
Laging nakaluhod madasalin pa minsan
Boyscout, girlscout laging handa ang mga yan

Masalimuot na nga ngayon ang mundong ibabaw
Lubos na abala ang mga nilalang sa bawat galaw
Sa saliw ng maharot na musika sila'y pumapaimbabaw
Nakatutuwang sabayan ang kanilang pagsasayaw

Kung may narinig kang dahil diya'y nagbaba ng palda o pantalon
Huwag magtaas ng kilay, may ganyan na noon pang unang panahon

3 comments:

  1. sus maryosep sta inez, kung walang nagbaba ng pantalon o palda nung unang panahon, sigurado, wala tayo ngayon...

    ReplyDelete
  2. mas malala d2 sa bansa ng mga melon amoy...
    kahit di nakababa ang palda or pantalon,nasasalisihan pa din....hahaha...

    ang mga lalaki nga d2,ang damit parang abito ng pari..wala pang salongganisa ang karamihan..kaya itaas lang ang damit,ready to fight,for the battle tonight...hahahaha

    ReplyDelete
  3. nyahahahah jas isa ka ba sa nasalisihan o ikaw ang sumalisi

    gandang gawan ng tula yan ah ready 2 fyt 4 d battle 2nyt...

    ano ba un mga barako jan jas amoy melon din ba? mga boyscout/girlscout din ba mga pipol jan? matapang ba - game sa anumang ipagawa? aktibo ba - laging may enerhiya, nakakaladkad kung saan-saan? matatalino ba - nagpapakopya ng takdang aralin? mapagbigay ba - todo-bigay? matulungin ba - nagpapakopya sa eksam? madasalin ba sila ke allah - mga laging lumuluhod? sabi nga sa commercial nagsisimba kahit pagod...winkkk!!!!

    ReplyDelete